Mabigat na parusa laban sa mga gumagawa ng wildlife crimes isinusulong sa Kamara
Isinusulong sa Kamara ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagpapataw ng mahigpit na parusa laban sa mga illegal poachers at traders.
Sa inihaing House Bill 9410 ni Barbers, nais nito na aamyendahan ang 20 taon nang Wildlife Resources Conservation and Protection Act (RA 9147) na sinasabi ng mga eksperto na hindi na tugma sa kasalukuyang sitwasyon ng wildlife crimes sa bansa.
Ayon kay Barbers, tinatayang P50 Billion ang annual losses sa market value ng wildlife gayundin ang pinsala sa kanilang habitat, ecological role at value.
Layunin din ng panukala na paigtingin ang kampanya sa paglikha at pagpapatupad ng “system of rewards and incentives” sa mga enforcement officers o informants na magbibigay impormasyon laban sa illegal wildlife traders at traffickers na popondohan naman sa ilalim ng lilikhaing Wildlife Management Fund.
Kapag naging ganap na batas mahaharap sa parusa na 15 taon hanggang 20 taon na pagkakabilanggo at multang P500,000 hanggang P2 million ang isang poacher o trader na mapapatunayang pumatay ng isang critically endangered wildlife specie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.