COVID-19 vaccination sa A4 priority list, magsisimula na sa June 7

By Chona Yu June 05, 2021 - 06:46 PM

Valenzuela City government photo

 

Umaasa ang pamahalaan na mas magiging masaya ang Pasko ngayong taon.

 

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, ito ay dahil sisimulan na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga essential workers mula sa pamahalaan at pribadong sektor na nasa A4 priority list sa Lunes, June 7.

 

Tinatayang milyong doses ng bakuna ang matatanggap ng Pilipinas sa ikatlong quarter ng taong kasalukuyan.

 

Ayon kay Concepcion, 1.17 milyong doses ng AstraZeneca ang darating sa bansa sa Hulyo at Agosto.

 

Darating na rin aniya sa bansa sa ikatlong quarter ang Moderna mula sa Amerika pati na ang Novovax at Covaxin mula sa India.

 

Target aniya ng pamahalaan na makamit ang herd immunity sa Metro Manila at iba pang probinsya bago pa man matapos ang taong kasalukuyan.

 

TAGS: A4, COVID-19, Joey Concepcion, june 7, vaccination, A4, COVID-19, Joey Concepcion, june 7, vaccination

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.