Patay ang siyam katao, dalawa ang sugatan at isa ang nawawala matapos manalasa ang Bagyong Dante.
Ayon sa talaan, ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, galing sa MIMAROPA, Regions VI, VII, VIII, XI at XII ang mga nasawi.
Aabot naman sa halos 23, na pamilya o mahigit 94,000 na indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.
Nasa 2,000 na pasahero ang na-stranded dahil sa bagyo.
Samantala, 81 na bahay sa Regions VI, VIII at XI ang nasira ng bagyo.
Aabot sa P86 milyong halaga ng agrikultura habang P53 milyong halaga ng imprastraktura ang nasira ng bagyo.
Ayon sa Pagasa, nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.