203 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa PNP

INQUIRER FILE PHOTO

Karagdagang 203 na kaso ng COVID-19 ang naitala sa hanay ng Philippine National Police.

Ayon sa talaan ng PNP, aabot sa 24,691 ang kabuuang bilang ng mga pulis na nag-positibo sa naturang sakit.

Sa naturang bilang, 1,733 ang aktibo habang 22, 890 ang nakarekober.

Aabot naman sa 68 ang bilang ng mga nasawi.

 

 

 

Read more...