Aayudahan ni Senador Bong Go ang mga nasalanta ng nagdaang Bagyong Dante.
Apela ni Go sa mga nasalanta, patuloy na sumunod sa health protocols na itinakda ng pamahalaan laban sa COVID-19.
“Scheduled na po ang ating opisina na umikot, makapagbigay ng tulong sa mga kababayan nating tinamaan ng bagyo. Iikot na po sila sa susunod na linggo,” pahayag ni Go.
“Pakiusap ko lang sa mga evacuation center, observe health protocol d’yan po. Nagkakahawaan kung wala pong social distancing. Pangalawa, may mga eskwelahan naman pong pwedeng gamitin dahil wala naman pong klase, baka pwedeng gamitin,” dagdaag ni Go.
Pagkain, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan ang ibibigay na tulong ni Go.
“Ang importante, ligtas po ang ating mga kababayan at hindi po magkahawahan. Importante po dito, komportable ang kanilang kinakatayuan dahil mahirap po sa evacuation center. Kawawa ang mag bata, lalung lalo na po sa panahong ito kailangan ang comfort nila at maayos,” pahayag ni Go.
Pagsusumikapan ni Go na personal na maabutan ng tulong ang mga nasalanta ng bagyo.
“Kung kaya po ng aking panahon, ako naman mismo ay pupunta sa kanila. Pero ang tulong po ay tuluy-tuloy po, ang tulong sa mga nasalanta. Pupuntahan po sila ng aking opisina,” pahayag ni Go.
Sa pinakahuling abiso ng Pagasa, nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo.