MRT-7 mula QC hanggang Bulacan, makukumpleto sa 2020
Dinaluhan ni Pangulong Benigno Aquino III at mga opiysal mula sa Department of Transportation and Communications (DOTC) at Universal LRT Corp. BVI Limited (ULC) ang ground breaking ceremony para sa itatayong MRT-7 o Metro Rail Transit Line 7.
Ang MRT-7 ay mayroong 14 na istasyon na magmumula sa North Avenue sa Quezon City patungo sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Ayon kay Pangulong Aquino, sa sandaling matapos na ang konstruksyon ng MRT-7 ay maseserbisyuhan nito ang aabot sa 800,000 mga pasahero kada araw.
Sinabi naman ng DOTC na inaasahang matatapos ang proyekto sa taong 2020.
Dagdag pa ni DOTC Secretary Joseph Emilio “Jun” Abaya, makababawas sa traffic jam sa Commonwealth Avenue kapag operational na ang tren.
Ayon kay Abaya, sa simula, 350,000 na pasahero ang maisasakay ng MRT-7, pero sa sandaling maisagawa ang pag-upgrade aabot na sa 800,000 na mga pasahero ang makikinabang dito.
Tiniyak naman ni San Miguel Corp. (SMC) President at CEO Ramon S. Ang, agad nang sisimulan ang konstruksyon.
Isinagawa ang ground breaking kanina sa Quezon City Memorial Circle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.