Mga mahihirap na manggagawa, pinagbibigyan ng bisikleta ni Sen. Poe

By Jan Escosio June 04, 2021 - 06:56 PM

Hinikayat ni Senator Grace Poe ang gobyerno, maging ang pribadong sektor na mamahagi ng mga bisikleta sa mga manggagawa para sa mabilis na pagpasok sa trabaho hanggang sa pag-uwi.

Ibinahagi ni Poe na ang mga second-hand na Japanese bike ay maaring mabili ng P2,500 hanggang P3,000 at para sa mga ordinaryong trabahador, hindi kakayanin ang naturang halaga.

Maari namang gamitin ng gobyerno ang P1.3 bilyong pondo sa Bayanihan 2 para ipambili ng mga bisikleta at ipamahagi ang mga ito sa mga mahihirap na manggagawa.

Kapag may bisikleta, aniya, hindi na makikipagsisikan ang mga trabahador sa mga pampublikong sasakyan.

“Kesa pera, pwede kasi ibang klaseng CCT—Cycles for Citizens Transfer—na mas mainam. Nakatanggap ako ng sulat mula sa isang manggagawa na nagsabing ang kailangan nila ay ibang 4Ps, na tinawag niyang “Pedal Project sa Panahon ng Pandemya,” paliwanag pa ni Poe.

Batay sa datos, ang Pilipinas ay may 2.1 milyong unit ng imported na bisikleta noong 2020, doble ito sa 1.1 milyong unit na naitala noong 2019.

TAGS: bisikleta, Inquirer News, Radyo Inquirer news, sen grace poe, bisikleta, Inquirer News, Radyo Inquirer news, sen grace poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.