Sen. Lacson, pinasalamatan ang U.S. sa pagbibigay prayoridad sa bansa sa ibabahaging COVID-19 vaccines

By Jan Escosio June 04, 2021 - 06:31 PM

Senate PRIB photo

Nagpasalamat na si Senator Panfilo Lacson sa U.S. government kaugnay sa pagbibigay importansiya sa Pilipinas sa ibabahaging bakuna kontra COVID-19.

Ang hakbang, ayon kay Lacson, ay pagpapahalaga sa relasyon ng dalawang bansa.

Ibinilang ng U.S. ang Pilipinas sa mga bansang mapapadalhan ng bahagi ng ibibigay nilang 25 million doses ng bakuna.

Ang suhestiyon lang ng senador na gawing gobyerno sa gobyerno ang pag-uusap ukol sa donasyon para mapabilis ang pagdating sa bansa ng mga bakuna.

“Thank you. We won’t forget this gesture of friendship. Unless World Health Organization protocols are too strict on vaccine donations, it would be better if it’s done bilaterally instead of through COVAX. Our people need the vaccines ASAP,” ang tweet ni Lacson.

Una nang sinabi ni Lacson ang pangangailangan na magkaroon ng ‘steady supply’ ng bakuna sa Pilipinas para mabilis na maabot ang target na ‘herd immunity’ na kinakailangan naman para makarekober na nang husto ang ekonomiya ng bansa.

TAGS: covid 19 vaccine, COVID-19 vaccination, Inquirer News, ping lacson, Radyo Inquirer news, covid 19 vaccine, COVID-19 vaccination, Inquirer News, ping lacson, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.