102 pang overseas Filipinos, tinamaan ng COVID-19

May 102 na bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 4, nasa 19,876 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 94 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 6,629 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Siyam naman ang bagong gumaling kung kaya umabot na sa 12,053 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala namang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,194 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 11,350 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,522 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 984 naman ang kaso sa Americas at 4,020 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...