5 na ang nasawi sa heat stroke sa Ilocos Norte mula noong Marso
Simula nang mag-umpisa ang panahon ng tag-init, nakapagtala na ng limang nasawi sa lalawigan ng Ilocos Norte dahil sa heat stroke.
Ayon kay Provincial health officer Josephine Ruedas, ang pagkasawi dahil sa heat stroke ay naitala simula noong buwan ng Marso hanggang sa kasalukuyan.
Noon lamang Lunes, mayroong limang magsasaka mula sa Pagudpud ang isinugod sa ospital matapos atakihin.
Dalawa sa nasabing limang magsasaka ang nasawi habang ang tatlo ay nananatiling nasa pagamutan.
Paalala ni Ruedas sa publiko, dahil mainit ang panahon, dapat iwasan ang magbabad sa init ng araw mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon.
Ang mga indibidwal lalo na kung mayroong hypertensive ay dapat uminom ng maraming tubig.
Kahapon, araw ng Martes, naitala ng PAGASA ang heat index sa Laoag City, Ilocos Norte na pumalo sa 46.6°C.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.