Sako-sakong bigas tinangay ng NPA sa Bukidnon

By Dona Domiguez-Cargullo April 20, 2016 - 11:26 AM

SMUGGLED-RICE (1)Aabot sa halos 1,400 na sako ng bigas ang tinangay ng mga miyembro ng New People’s Army sa warehouse ng isang negosyante ng bigas sa Valencia City, Bukidnon.

Mismog ang NPA ang nagkumpirma sa ginawa nilang pagsalakay sa private warehouse nap ag-aari ni Helen Bernal sa Purok 11 sa Barangay Batangan sa nasabing lungsod.

Ayon kay Ariel “Inda” Magbanwag, tagapagsalita ng South-Cetnral Bukidnon ng NPA Subregional Command, ang kanilang ginawa ay bahagi ng misyon nila na tinawag na “Operation Rice-Seizure” laban sa mga negosyanteng nagho-hoard ng bigas.

Sa loob lamang ng 15 minutong operasyon, nagawa ng mga tauhan ng NPA na makuha ang 1,384 na sako ng bigas na isinakay sa apat na truck.

Sinabi ni Magbanwag na kinuha din nila ang dalawang flat screens, CCTV monitors, at Automatic Voltage Regulator sa warehouse.

Ayon sa rebeldeng grupo, ang nasabing negosyante at kaniyang pamilya ay kilalang rice hoarder sa lugar.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.