Pulis, 4 iba pa dinampot sa pangongotong sa truck drivers sa Pampanga; P800,000 cash narekober

By Jan Escosio June 04, 2021 - 04:40 PM

PNP photo

Hindi na nakapalag ang isang pulis at apat pang miyembro ng Truck Ban Traffic Management Office ng pamahalaang-bayan ng Apalit sa Pampanga nang sila ay arestuhin sa isang entrapment operation.

Agad na dinisarmahan si Police Cpl. Leomar Calegan, kasabay nang paghuli din kina Marlon De Guzman, Menard Mendoza, Michael Maniulit, at Noel Manarang.

Ikinasa ang operasyon, Biyernes ng umaga (June 4), sa San Simon Exit at isinagawa ang pag-aresto nang ibigay ng isang tauhan ng PNP – Integrity Monitoring and Enforcement Group ang pera sa mga suspek.

Nabatid na umaktong pahinante ng truck ang pulis para makumpirma ang pangongotong ng mga suspek.

Narekober din ang higit P800,000 na pinaniwalaang nakolekta ng mga suspek mula sa mga nagdaang truck drivers.

TAGS: Inquirer News, PNP operations, Radyo Inquirer news, Inquirer News, PNP operations, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.