Bilang ng mag-aaral na rehistrado na para sa SY 2021-2022, umabot na sa 4.5-M na

By Angellic Jordan June 04, 2021 - 03:53 PM

Umabot sa mahigit 4.5 milyon ang bilang ng mag-aaral na nakiisa sa early registration para sa School Year 2021-2022.

Sa final monitoring report ng Department of Education (DepEd) hanggang 5:00, Martes ng madaling-araw (June 1), umabot sa 4,557,435 na mag-aaral ang nakapagparehistro sa buong bansa.

Sakop nito ang ilang estudyante sa Kindergarten, Grade 1, Grade 7 at Grade 11.

Naabot nito ang 99 porsyentong turnout kumpara sa naitalang datos noong 2020.

Lumabas din sa datos na naitala ang pinakamataas na bilang ng rehistradong mag-aaral sa Calabarzon na may 480,709; sumunod ang Region 7 na may 405,001; at Region 6 na may 387,152.

Natapos ang early registration noong May 31, 2021.

TAGS: deped, early registration, Inquirer News, Radyo Inquirer news, deped, early registration, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.