Mayor Moreno, hindi naniniwalang minamana ang posisyon sa gobyerno

By Chona Yu June 04, 2021 - 03:10 PM

Manila PIO photo

Hindi naniniwala si Manila Mayor Isko Moreno na minamana ang posisyon sa gobyerno.

Pahayag ito ni Mayor Isko bilang tugon sa posibilidad na si Davao City Mayor Sara Duterte ang maaring pumalit sa puwesto ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Mayor Isko, ang demokrasya ng taumbayan ang pumipili at hindi ipinipilit ang mga kalahi nila.

Sinabi pa ni Mayor Isko na ayaw naman niyang pangunahan ang taong bayan sa pagpili ng susunod na lider ng bansa.

Pero ayon sa alkalde, umaasa siya na hindi papayag ang taong bayan na matawag na istupido.

Bukod kay Mayor Sara at Mayor Isko, lumulutang din ang mga pangalan nina Senador Manny Pacquiao, dating Senador Bongbong Marcos at Senador Bong Go na posibleng kumandidato sa pagka-pangulo sa susunod na eleksyon.

TAGS: 2022 elections, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news, 2022 elections, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.