Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kabilang na ang India, Pakistan, Nepal, Sri lanka, Bangladesh, Oman at United Arab Emirates.
Paliwanag ni Roque, kailangan lamang na lahat ng repatriates mula sa mga bansang ito ay sumailalim sa 14-day facility-based quarantine mula sa araw na dumating sa Pilipinas.
Kung hindi gobyerno ang nag-initiate ng pagpapauwi, sinabi ni Roque na ang concerned local manning agencies ng mga seafarer at Philippine recruitment agency para sa land-based workers o ang sponsoring Philippine government agency ay dapat magsumite ng exemption request sa Bureau of Quarantine.
Kapag naaprubahan, ang mga pauuwing OFW ay dapat magprisinta ng negative RT-PCR test result na ginawa 48 oras bago ang boarding nito sa eroplano pabalik ng Pilipinas.
Isusumite ang resulta ng negative RT-PCR sa Bureau of Quarantine pagdating dito sa bansa.
Ayon kay Roque, kapag ang repatriation ay inisyatibo ng gobyerno, kailangang magkaroon muna ng pakikipag-ugnayan sa isa’t isa ang DFA, OWWA, DOTr, BOQ, CAAP at National Task Force Against COVID-19 48 oras bago ang pag-alis sa country of origin ng repatriates.
Samantala, pinayagan na rin ng IATF ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhang may special resident retiree’s visa kahit walang exemption document.
Epektibo ang bagong kautusan sa June 15, 2021.
Buwan ng Mayo nang magpatupad ng travel ban ang Pilipinas sa mga biyahero mula India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman at UAE dahil sa India variant ng COVID-19.