507 na ang patay sa lindol sa Ecuador, 11 dayuhan kabilang sa nasawi
Umabot na sa 507 ang bilang ng nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na naganap sa Ecuador.
Sa datos ng Attorney General’s Office, sa 507 na nasawi, 499 na ang nakilala.
Kinumpirma din ng mga otoridad na may labing isang dayuhan na nasawi sa lindol.
Ang nasabing lindol ay nagdulot ng matinding pinsala sa isa sa pinakamatagal nang pahayagan sa Ecuador na “El Diario”.
Dahil sa pinsala, unang beses sa 82 taon sa kasaysayan ng nasabing pahayagan ay nabigo itong makapag-publish dahil sa kawalan ng kuryente at internet sa kanilang newsroom sa Portoviejo.
Noong Lunes na nakapag-resume ng circulation ang dyaryo gamit ang generator sets at mga staff na kahit napinsala ng lindol ang mga bahay nila ay pumasok pa rin sa trabaho.
Samantala, nakatakda nang magpadala ng disaster experts ang US sa Ecuador bitbit ang $100,000 na halaga ng supplies.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.