6 na sex workers arestado, matapos ireklamo ng customer na tanod

By Ricky Brozas April 20, 2016 - 09:23 AM

EDSA CubaoInireklamo sa Quezon City Police District (QCPD) ang anim na sex workers matapos hindi maibigay ang pangakong serbisyo sa kliyenteng barangay tanod.

Isinailalim sa kostodiya ng Kamuning Police station ang anim na babae nang ireklamo sila ng isang tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS) na tumangging ibigay ang kaniyang pagkakakilanlan.

Sa kwento ng 23-anyos na tanod, nilapitan siya at ang kaniyang dalawa pang kasama ng mga babae sa bahagi ng foot bridge sa Cubao, Quezon City at inalok sila ng panandaliang aliw.

Ang unang alok aniya ng mga babae ay P300 kada isa.

Ayon sa nagreklamong tanod, siya ang nagbayad ng lahat ng P300 kada isang babae, pero hindi siya naserbisyuhan ng sinuman sa mga ito.

Tanging ang dalawang kasama niyang lalaki ang nakinabang umano, habang siya ay bigong makakuha ng serbisyo.

Dahil dito, nagpasya ang tanod na magreklamo sa pulisya.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.