Pagsingit ng probisyon sa Bicam report para sa pag-aarmas ng mga bumbero inamin ni Sen. Bato dela Rosa

By Jan Escosio June 04, 2021 - 10:08 AM

Muntinlupa BFP

Ikinagulat ng maraming senador ang pagkakaroon ng probisyon sa bicameral conference committee report sa panukalang modernisasyon sa Bureau of Fire Protection ang pagbibigay armas sa mga bumbero.

Ito ang dahilan kayat ang bicam report ay ibinasura sa Senado.

Sa pagkuwestiyon ng ilang senador, partikular na ni Minority Leader Frank Drilon, inamin ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na isiningit lang ang probisyon at itinuro niya ang mga mambabatas mula sa Kamara.

Ayon naman kay Senador  Richard Gordon dapat ay kinonsulta muna ni dela Rosa ang pamunuan ng Senado bago pinagbigyan ang hirit ng mga taga-Kamara.

Dahil nasa adjournment sine die ang Kongreso, kinakailangan na bumuo muli si House Speaker Allan Velasco ng bagong bicameral conference committee panel para muling pag-usapan ang kontrobersyal na probisyon.

Nang ilatag sa plenaryo ang panukala, walong senador ang pumabor, walo ang kontra at tatlo ang nag-abstain kasama na si Sen. Vicente Sotto III bunga nang pagkakasingit ng probisyon.

TAGS: BFP modernization, Ronald dela Rosa, BFP modernization, Ronald dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.