Davao Oriental, niyanig ng magnitude 5 na lindol
(Update) Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang ilang bahagi ng Davao Oriental kaninang madaling araw.
Naitala ang epicenter ng lindol sa karagatan sa layong 16 kilometro northeast ng Cateel, Davao Oriental.
Sa updated information na inilabas ng PAGASA, naramdaman ang pagyanig sa maraming lalawigan sa rehiyon.
Intensity 4 ang naitala sa Cateel, Davao Oriental; Bislig, Hinatuan at Barobo sa Surigao del Sur.
Intensity 3 naman ang naitala sa Lingig at Lianga, Surigao del Sur.
Habang naitala ang Intensity 2 sa Cagayan De Oro City at sa Valencia, Bukidnon.
Wala namang iniulat na pinsala dulot ng paggalaw ng lupa sa naturang lugar.
Bagamat inaasahang makakaranas ng mga aftershocks, hindi naman ito inaasahang sinlakas ng naunang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.