Bagyong Dante nakalabas na ng PAR

Nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Dante.

Base sa 5 a.m. advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang Bagyong Dante sa 285 kilometers northwest ng Laoag City, Ilocos Norte o 325 kilometers west ng Calayan, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang hangin na 65 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugso na 80 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa northward direction sa bilis na 20 kilometers per hour.

Patuloy na makararanas ng pag-ulan ang Ilocos Region, Zambales, Bataan.

Maulap na papawirin at panaka-nakang pag ulan ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa.

Maaring mag-landfall ang Bagyong Dante sa Taiwan mamayang gabi habang patuloy na kumikilos patungong East China Sea.

 

Read more...