Ordinansa ukol sa pagbibigay ng daily allowance sa volunteer health workers sa QC vaccination site, pirmado na

By Angellic Jordan June 03, 2021 - 09:18 PM

QC LGU photo

Pirmado na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ordinansa ukol sa pagbibigay sa volunteers ng daily allowance na aabot sa P2,500.

Layon nitong makapagbigay ng maayos na kompensasyon sa medical professionals na boluntaryong tumutulong sa pagbabakuna sa iba’t ibang vaccination site sa lungsod.

“It is only right and just that we give them a daily allowance so they won’t be spending their personal funds for transportation and food, for example,” pahayag ng alkalde.

“Malaking tulong na ang serbisyong binibigay nila sa ating lungsod lalo na’t kulang tayo sa mga medical staff gaya ng mga doktor at nars na kwalipikadong magbakuna,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng Ordinance No. SP-3024 s., 2021 o “An Ordinance Granting Daily Allowance to the COVID-19 Vaccination Volunteer Medical Staff”, babayaran ng LGU ang pagkain, transportasyon, at iba pang pangangailangan ng volunteer medical staff na nagseserbisyo sa QC vaccination sites.

Simula sa June 1, lahat ng nakalista bilang volunteer ay bibigyan ng allowance kada araw base sa sumusunod na kategorya: P2,500 para sa medical doctors, P1,400 sa dentists at nurses, P1,300 sa post-graduate interns, P1,000 naman para sa iba pang allied medical professionals, at P800 sa midwives.

TAGS: compensation for medical workers, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, Ordinance No. SP-3024, Radyo Inquirer news, compensation for medical workers, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, Ordinance No. SP-3024, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.