13 probinsya tatanggap ng P350-M pondo para sa pagsasaayos ng mga kalsada, tulay – DILG

By Angellic Jordan June 03, 2021 - 07:15 PM

Tatanggap ang 13 probinsya ng P350 milyong pondo sa taong 2021, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya, kukunin ang pondo sa Conditional Matching Grant to Provinces (CMGP).

Ilalaan ang naturang pondo para sa rehabilitasyon at pagpapabuti ng mga kalsada at tulay sa probinsya.

Oras na makumpleto ang kinakailangang documentary requirements, direkta aniyang ibibigay ang pondo sa mga sumusunod na probinsya:
– Ilocos Norte
– La Union
– Apayao
– Benguet
– Mountain Province
– Nueva Ecija
– Pampanga
– Tarlac
– Laguna
– Western Samar
– Davao Occidental
– Dinagat Islands
– Agusan del Sur

Hinikayat ni Malaya ang mga provincial governor sa mga nabanggit na probinsya na madaliin ang pagsumite ng kanilang Detailed Engineering Designs (DEDs) na nakasunod sa DPWH standards, Good Financial Housekeeping (GFH) component ng DILG-SGLG, at pinakahuling DBM-validated PFM Improvement Plan (PFMIP) sa Department of Budget and Management (DBM).

Tiniyak din nito sa provincial local government units (LGUs) na patuloy na maghahatid ng technical assistance ang kagawaran sa gagawing CMGP projects.

TAGS: CMGP funds, CMGP projects, DILG, Inquirer News, Jonathan Malaya, Radyo Inquirer news, CMGP funds, CMGP projects, DILG, Inquirer News, Jonathan Malaya, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.