Laoag City, Tuguegarao City nakapagtala ng 46 degrees Celsius na heat index

Naging mainit at maalinsangan pa rin ang panahon sa ilang lugar sa bansa sa araw ng Huwebes, June 3.

Sa datos ng PAGASA, umabot sa 46 degrees Celsius ang heat index sa Laoag City, Ilocos Norte bandang 11:00 ng umaga habang sa Tuguegarao City, Cagayan ay dakong 2:00 ng hapon.

Umabot naman sa 44 degrees Celsius ang heat index sa Aparri, Cagayan at Roxas City, Capiz bandang 2:00 ng hapon.

Nasa 43 degrees Celsius ang heat index sa mga sumusunod na lugar:
– Butuan City, Agusan del Norte (2:00 ng hapon)
– Dipolog, Zamboanga del Norte (2:00 ng hapon)
– Infanta, Quezon (2:00 ng hapon)
– Sinait, Ilocos Sur (2:00 ng hapon)

42 degrees Celsius na heat index naman ang heat index sa:
– Alabat, Quezon (2:00 ng hapon)
– Puerto Princesa City, Palawan (1:00 ng hapon)
– Zamboanga City, Zamboanga del Sur (2:00 ng hapon)

Naitala naman ang 41 degrees Celsius na heat index sa:
– Legazpi City, Albay (1:00 ng hapon)
– Masbate City, Masbate (2:00 ng hapon)

Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

Read more...