Pinakamainit na temperatura kahapon, naitala sa General Santos

summerAng General Santos City ang nakapagtala ng pinakamainit na temperatura kahapon (April 19), ayon sa PAGASA.

Sa monitoring ng PAGASA sa kanilang mga station, sa Science Garden sa Quezon City, nairekord ang temperatura na 35.8 Degrees Celsius.

Sa ibang lugar sa Metro Manila, mainit din ang temperaturang naitala kahapon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PAGASA Forecaster Jun Galang, sa Port Area sa Maynila, nakapagtala ng 36.3 Degrees Celsius, habang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay nakapagtala naman ng 35 Degrees Celsius.

Sa General Santos City naitala ang pinakamainit na temperatura kahapon na 38.4 Degrees Celsius.

Samantala, sa Clark, Pampanga naman, nakapagtala ng 37 Degrees Celsius at 36 Degrees Celsius ang naitala sa Tuguegarao City.

Ayon kay Galang, hanggang sa buwan ng Mayo ay mananatiling mainit ang panahon sa bansa.

 

Read more...