Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 255 kilometers Kanluran ng Sinait, Ilocos Sur dakong 4:00 ng hapon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
May bilis na 25 kilometers per hour ang bagyo.
Sa ngayon, wala nang lugar sa bansa na nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal.
Ayon sa weather bureau, patuloy na kikilos ang bagyo pa-Hilaga o Hilaga Hilagang-Silangan sa susunod na 12 oras.
Maaring lumabas ang bagyo sa northwestern boundary ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes ng gabi, June 3, o Biyernes ng madaling-araw, June 4.
Pagkatapos nito, muling papasok ang bagyo sa teritoryo ng bansa sa Biyernes ng hapon.
Sinabi ng PAGASA na inaasahang hihina ang bagyo at magiging tropical depression sa Biyernes.