Umapela si Transportation Secretary Arthur Tugade sa law enforcement agencies na magpatupad ng mas istriktong security measures sa EDSA Busway (EDSA Carousel).
Kasunod ito ng insidente sa bahagi ng Ortigas Avenue Station ng EDSA Carousel noong Lunes, May 31, (May 31) kung saan sangkot ang isang marshal ng Interagency Council for Traffic (I-ACT) at isang lalaki na may dalang kutsilyo.
Batay sa ulat ng I-ACT, bandang 5:22 ng hapon, ipinagbigay-alam sa security personnel ng mga commuter na naghihintay ng bus sa EDSA Carousel Ortigas Avenue station na may isang lalaki na may saklay ang nagbabanta sa kanila gamit ang kutsilyo at nanghihingi ng pera.
Agad pinuntahan ni I-ACT marshal SN2 Julius Gibran Abundol III ng Philippine Coast Guard (PCG) Team Barracuda ang lalaki para paalisin sa naturang istasyon.
Habang papalapit si Abundol, sinubukang harangin ng lalaki na nakilalang si “Ariel” ang mga bus, naitumba ang saklay at tumakbo patungo sa PCG personnel habang hawak ang kutsilyo.
Nadisarmahan naman ni Abundol ang lalaki sa tulong ng isang bus controller sa lugar.
Dumating ang mga tauhan ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) at dinala ang lalaki na sinasabing mentally unstable.
Napag-alaman ding pagala-gala ang lalaki sa iba pang EDSA Carousel stations kung saan nangha-harass ng commuters at ginagambala ang bus operations.
“The security and safety of our commuters are of utmost importance. We at the DOTr are not only tasked to provide the public with convenience in their everyday commute. We also want to ensure their safety and security at the stations and while onboard passenger vehicles, in coordination with concerned law enforcement agencies,” paliwanag ng kalihim.
Hinimok ni Tugade ang I-ACT at PNP-HPG na paigtingin ang security measures para mas mabigyan ng proteksyon ang mga commuter.
Samantala, hinikayat din ng kalihim ang mga commuter na maging mapagmatyag at agad i-report sa mga awtoridad ang mga kahina-hinalang aktibidad.
“You are our partners in keeping our transport systems operating at its most efficient levels daily. Peace and order are major components of these systems. Let us all be vigilant. Report to authorities any suspicious incidents that may cause harm and disrupt the operations of our transport systems. Your cooperation is important,” ani Tugade.