Sen. Bong Go handang gampanan ang ‘peacemaker role’ sa nagbabanggaang PDP-Laban officials

By Jan Escosio June 03, 2021 - 03:37 PM

Matapos ideklara na wala siyang interes na sumali sa presidential race sa 2022 elections, inihayag naman ni Senator Christopher Go ang kahandaan na magsilbing tulay sa mga hindi nagkakaunawaang opisyal ng PDP -Laban.

 

“Payag akong pumagitna at palaging bukas ang aking linya para maayos ang dapat ayusin ng aking mga kapartido, katulad ni Sen. Manny Pacquiao, at upang mas lalong mapalakas ang hanay ng partido para sa ikakabuti ng sambayanang Pilipino,” sabi ng senador.

 

Patukoy ito sa sinasabing lumalalang sigalot sa pagitan nina Pacquiao at Energy Sec. Alfonso Cusi, ang presidente at vice chairman ng kanilang Partido.

Kasabay nito ang panawagan na rin Go sa kanyang mga kapartido na magkaisa sa pagsusulong ng iisang hangarin para maipagpatuloy ang mga pagbabagong sinimulan ng administrasyong-Duterte.

 

Samantala, sinabi ng senador na kahit sino pa sa mag-ama, Pangulong Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte, ang kumandidato sa 2022 elections ay susuportahan niya.

 

“Mahigit dalawang dekada kong pinagsilbihan si Pangulong Duterte kaya alam ko na kapakanan lamang ng sambayanang Pilipino ang nasa isip niya,” aniya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.