6 months na pagsugpo sa krimen ni Duterte, “ilusyon lang” – De Lima

By Kathleen Betina Aenlle April 20, 2016 - 04:43 AM

Marlon Ramos/Inquirer

Isang ilusyon.

Ganito inilarawan ni dating Justice Sec. at ngayo’y senatorial candidate Leila de Lima ang pangakong laging binibigkas ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na pagsugpo sa krimen sa loob ng kaniyang unang anim na buwan ng panunungkulan.

Sa INQlive interview kay De Lima, ibinulalas nito na isang malaking ilusyon ang pag-ubos sa mga krimen sa buong bansa sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan.

Ayon pa kay De Lima, napaka-imposible ng nais gawin ni Duterte, dahil dapat pang palakasin ang kakayahan ng mga law enforcement agencies ng bansa.

Sa tingin ni De Lima, may kaugnay na extrajudicial killings ang magiging diskarte ni Digong para ipatupad ang kaniyang ipinagmamalaking paraan sa paglaban sa krimen, pero hindi aniya ito katanggap-tanggap.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.