Noong Pebrero, nagpadala ng liham ang kalihim sa Comelec upang ihirit na dagdagan ang honoraria ng mga teaching at non-teaching personnel na magsisilbi sa halalan sa gitna ng pandemya.
Nagpasalamat si Education Secretary Leonor Briones sa Comelec para sa pag-apruba ng kanilang kahilingan.
“Given the current health situation, it is rightful for them to receive additional allowance,” pahayag nito.
Noong April 29, sinabi ni Comelec Chairman Sheriff Abas, sa pamamagitan ni Director Bartolome Sinocruz, Jr., na suportado nila ang P3,000 pagtaas sa sa honoraria ng mga guro.
Batay sa Consumer Price Index and Inflation Rate na inilabas noong January 2021, itinulak ng DepEd ang mga sumusunod na honoraria rates: P9,000.00 para sa Chairpersons; P8,000.00 para sa EB members; P7,000.00 sa DepEd Supervisor Official (DESO); at P5,000.00 Support Staff.
Bilang karagdagan sa bayad, isasama ng Comelec ang pagbibigay ng allowance para sa transportasyon, pagkain at tubig, at mga gastusin sa paglilinis at pag-aayos bilang bahagi ng panukalang budget para sa halalan sa susunod na taon.
Sa gitna ng banta ng COVID-19, magiging parte rin ng panukalang budget ang hiling ng DepEd para sa health insurance coverage sa mga tatamaan ng nakakahawang sakit.
Samantala, pag-aaralan pa ng Comelec at DepEd ang iba pang benepisyo tulad ng on-site swab testing, shifting, at working hours ng mga pampublikong guro na miyembro ng EB, tax exemption, at ang absence/transfer/leave ng mga empleyado dahil sa election-related incidents.
Naghain din ng panukala ang kagawaran ukol sa pagbuo ng Comelec-DepEd Monitoring and Coordination Teams bilang bahagi ng 2022 DepEd Election Task Force upang masiguro na may teknikal at legal na kaalaman ang mga guro sa darating na halalan.
“With DepEd and the teachers’ vital participation in the 2022 National and Local Elections, we will continue our dialogue with COMELEC to ensure the health and welfare of our teachers and personnel who will be sitting in the polling,” saad ni Briones.