Pangulong Duterte, may napipisil na maaring pumalit sa kaniyang pwesto

By Chona Yu June 03, 2021 - 02:44 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

May napipisil na si Pangulong Rodrigo Duterte na maaring pumalit sa kanyang puwesto sa susunod na taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaring iindorso ng Pangulo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte, ang kanyang matagal ng aide na si Senador Bong Go, Senator Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno at dating Senador Bongbong Marcos.

Pero paglilinaw ni Roque, sa ngayon, wala pa namang pinal na desisyon ang Pangulo kung sino ang kanyang iindorso.

Nanatili din aniya ang paninindigan ng Pangulo na ayaw niyang tumakbo sa pinakamataas na posisyon ang kanyang anak na si Mayor Sara.

Sa kabila aniya ng usapin sa pulitika, inuuna pa rin ng Pangulo ang pagtugon sa pandemya sa COVID-19.

Mahalaga kasi aniya na mabakunahan muna ang higit na nakararami para magkaroon ng maayos na eleksyon at hayaang makaboto ang mga botante.

TAGS: 2022 elections, bongbong marcos, Harry Roque, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Mayor Sara Duterte, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, Sen. Manny Pacquiao, 2022 elections, bongbong marcos, Harry Roque, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Mayor Sara Duterte, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, Sen. Manny Pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.