Ilang lalawigan, uulanin pa rin dahil sa #DantePH

By Angellic Jordan June 03, 2021 - 02:36 PM

DOST PAGASA Facebook photo

Makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang lugar sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 2:12, Huwebes ng hapon (June 3), ito ay dulot pa rin ng Tropical Storm Dante.

Mararanasan ang katamtaman hanggang occasionally heavy rains sa Abra (Licuan-Baay), Apayao (Calanasan).

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang iiral sa Abra (Dolores, Lagangilang, San Juan at Tubo), Apayao (Kabugao), Ilocos Norte (Adams, Dumalneg, Nueva Era, Pagudpud at Vintar) sa susunod na isa hanggang dalawang oras.

Base naman sa abiso ng weather bureau bandang 1:53 ng hapon, kaparehong lagay ng panahon ang mararanasan sa bahagi ng Pangasinan (Alaminos City, San Manuel at San Nicolas) sa susunod na isa hanggang dalawang oras.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

TAGS: Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], weather update June 3, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], weather update June 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.