Turuan, pasahan ng sisi hindi makakatulong sa power crisis
Ikinadismaya ni Senate Minority Leader Frank Drilon ang pagpasa ng sisi ng Department of Energy (DOE) sa pribadong sektor sa kabiguan na maiwasan ang pagkukulang sa suplay ng kuryente.
“It’s disappointing. Blame everyone except yourself. Where is accountability?” ang sabi ni Drilon.
Sinabi ni Drilon na malinaw na ang gusto ng DOE ay mabunton sa pribadong sektor ang galit ng mga konsyumer.
Aniya malinaw naman na lumipas ang limang taon ng administrasyong-Duterte ngunit hindi nasolusyonan ang isyu sa suplay sa kuryente tuwing sumasapit ang tag-init.
Pagdidiin niya kapag hindi naresolba ang isyu magbubunga ito ng mas malaking epekto sa ekonomiya at mamamayan.
Bunga nito, nagpahayag ng kanyang suporta si Drilon sa inihaing resolusyon para maimbestigahan sa Senado ang pagkawala ng kuryente sa ilang lugar sa bansa dahil sa manipis na suplay.
Una nang inanunsiyo ng DOE ang kanilang plano na sampahan ng kasong economic sabotage ang private power companies dahil sa pagsasagawa ng preventive maintenance simula noong Abril na nagbunga sa brownouts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.