Paglilihim ng ibang anti-drug ops records inaasahan na – Sen. Leila de Lima

Hindi na ikinagulat pa ni Senator Leila de Lima ang hindi pagbibigay ng administrasyong-Duterte ng lahat ng records  ng anti-drug operations ng PNP.

 

Sinabi ni de Lima na inaasahan na itatago ni Pangulong Duterte ang ilang records at ikinatuwiran pa ang pambansang seguridad.

 

Aniya mas madali itong gawin ng gobyerno, na ayon sa senadora ay maraming itinatago.

 

Kinuwestiyon din ni de Lima ang pagpapaalam pa ng DOJ para lang makakuha ng mga kopya ng records mula sa PNP.

 

“Democracy demands accountability. Karapatan ng bawat Pilipino na mabigyan ng hustisya kahit sino pa ang may sala,” pagdidiin nito.

 

Giit pa niya natatakot si Pangulong Duterte na malaman ang buong katotohanan sa kanyang ‘war on drugs’ sa katuwiran ng senadora na mabubunyag na ang mga utos nito ay nagresulta sa extra-judicial killings (EJKs).

Read more...