China dapat sundin ang magiging UN ruling – Britain
Inaasahang malapit nang ilabas ng UN arbitral tribunal ang kanilang desisyon kaugnay sa agawan ng teritoryo ng Pilipinas at ng China sa South China Sea.
Dahil dito, nakiisa ang Britain sa mga nananawagan sa China na dapat silang sumunod sa magiging desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands.
Ayon kay British minister of state for East Asia Hugo Swire, nakikita nila ang posibleng ruling ng The Hague bilang isang oportunidad para muling simulan ang pag-uusap ng dalawang bansa tungkol sa mga teritoryo ng bansa.
Aniya pa, hindi naman dahil sinusuyo nila ang mga investments mula sa China ay ipagkikibit balikat na lamang nila ang mga pang-aabuso at pang-aangkin ng China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.