P268M halaga ng imprastraktura ang napinsala sa pananalasa ng bagyong Dante – DPWH

By Jan Escosio June 03, 2021 - 01:11 PM

DPWH VII PHOTO

Sa walong beses na pagtama sa kalupaan ng Visayas at Luzon ng bagyong Dante, napinsala ng epekto nito ang P268.52 milyong halaga ng mga kalsada at flood-control structures, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

 

Ayon pa kay Sec. Mark Villar nagpalabas na sila ng kanilang 270 kagamitan at 1,569 tauhan para magsagawa ng clearing operations.

 

Aniya may mga kalsada pa sa mga lalawigan ng Cebu, Eastern Samar at Agusan del Sur pa nadadaanan ng anumang uri ng sasakyan dahil sa baha, pagguho ng lupa at banta ng landslides.

 

Nabanggit na sa Region 12 ang may pinakamataas na halaga ng pinsala sa mga imprastraktura at istraktura na inilagay sa P162.2 milyon at sa Region 7 naman ay  higit P106 milyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.