Bagyong Dante patuloy ang paglayo pero pag-ulan asahan pa rin sa Luzon, Metro Manila – PAGASA

Palayo nang palayo na sa landmass ng Luzon ang Bagyong Dante matapos mag-landfall ng walong ulit simula noong Martes.

 

Sa 11am weather update ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay huling namataan alas-10 ng umaga sa layong 205 kilometro west nortwest ng Dagupan City sa Pangasinan.

 

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot hanggang 65 kilometro kada oras at bugso na umaabot ng hanggang 90 kilometro kada oras habang kumikilos sa direksyon na west northwest sa bilis na 35 kilometro kada oras.

 

Inalis na rin ang lahat ng warning signals bagamat dahil sa lawak ng outer rain bands ng bagyo, uulanin pa rin ang Northern at Central Luzon, maging ang Metro Manila.

 

Bukas ng umaga, ang ika-apat na bagyo na pumasok sa Pilipinas ngayon taon ay tinatayang nasa layong 270 kilometro west ng Basco, Batanes.

 

At sa Sabado ng umaga, bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo ay malulusaw na ito ay magiging low pressure na lang.

 

Samantala, ang low pressure area na pumasok sa PAR ay nasa Pacific Ocean at huling namataan sa layong 850 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes at wala pa itong direktang epekto sa bansa.

Read more...