Pagbasura sa impeachment complaint laban kay SC Associate Justice Marvic Leonen sinelyuhan na sa Kamara

By Jan Escosio June 03, 2021 - 11:36 AM

Inaprubahan na ng House Committee on Justice ang committee report ukol sa pagbasura sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

 

Nabatid na 21-0-0 ang naging boto sa pag-apruba sa committee report at ito ay ipapadala na sa plenaryo.

 

Magugunita na noong nakaraang Mayo 27, isinagawa ng komite ang unang pagdinig sa reklamo para mapatanggal sa puwesto si Leonen ngunit ilang miyembro ng komite ang nagsabi na ‘insufficient in substance and form’ ang reklamo.

 

Puna ng mga mambabatas kulang sa mga orihinal na dokumento ang reklamo at ikinatuwiran pa ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na walang personal na nalalaman sa mismong mga alegasyon ang nagreklamong si Edwin Cordevilla, secretary general ng Filipino League of Advocates for Good Government.

 

Diin ni Rodriguez masasabi na base lang sa ‘sabi-sabi’ ang mga alegasyon kay Leonen.

 

Samantala, sinabi ni Leyte Rep. Vicente Veloso III, ang one-year ban sa paghahain ng katulad na reklamo laban kay Leonen ay naging epektibo noong nakaraang Mayo 18.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.