Jollibee BGC store sarado ng tatlong araw dahil sa ‘fried tuwalya’
Minabuti ng Jollibee Foods Corp. na isara ng tatlong araw ang kanilang franchise store sa Bonifacio Global City sa Taguig City matapos padalhan ang isang Kustomer ng ‘fried tuwalya’ sa halip na fried chicken.
Sa inilabas na abiso ng kumpaniya sa kanilang social media account, simula ngayon araw ay sarado ang Bonifacio-Stop Over branch kasabay nang pagsusuri kung nasunod ang mga alintuntunin at muling pagsasanay na rin sa kanilang crew para hindi na maulit ang pangyayari.
Mababasa din sa abiso na naimbestigahan na ang pangyayari at lumabas na nagkaroon ng pagbabago sa ginawang paghahanda ng mga pagkain.
Tiniyak naman ng JFC na maingat ang pagsunod nila sa food preparation sytems para makapagpagbigay ng de-kalidad na mga pagkain.
Magugunita na agad nag-viral sa social media ang mga larawan ng asul na tuwalya na nabalot sa breading ng pritong manok ng Jollibee.
Ayon kay Alique Perez ginamit niya ang delivery app ng Jollibee para sa Chicken joy ng kanyang anak at ipinagtaka na niya na hindi mahiwa ang inaakalang manok.
Nang bulatlatin nila ay nadiskubre na ang sinusubukan nilang kainin ay tuwalya pala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.