Mga bayani sa PGH fire pinarangalan ng Lapu-Lapu award ni Pangulong Duterte
Ginawaran ni Pangulong Duterte ng Order of Lapu-Lapu award ang mga kawani ng Philippine General Hospital na nagligtas ng kanilang mga magkaroon ng sunog sa ospital noong Mayo 16.
Kabilang sa mga ginawaran ni Pangulong Duterte si Kathrina Bianca Macababbad, ang nurse sa neonatal intensive care unit, na nag-viral sa Facebook matapos iligtas ang 35 na sanggol na nasa ikatlong palapag ng ospital.
Ginawaran din ng Pangulo ng kaparehong award si Dr. Rodney Dofitas, na isang surgeon na nanguna sa evacuation.
Ang iba pang pinarangalan ay sina Joel Santiago at Ramil Ranoa, kapwa security personnel, Quintin Bagay Jr., isang nurse, Dr. Alexandra Lee, isang 3rd year resident, Dr. Earle Ceo Abrenica, isang 2nd year resident, Jomar Mallari, Phoebe Rose Malabanan, at Esmeralda Ninto, mga NICU nurses.
Pinuri sila ni Pangulong Duterte dahil sa ipinakitang kabayanihan at pagmamalasakit.
Dumalo sa pagbibigay ng parangal sina Sen. Christopher Go at PGH Dir. Gerardo Legaspi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.