Russia magpapadala pa ng dagdag COVID-19 vaccines sa Pilipinas

By Chona Yu June 03, 2021 - 09:57 AM

PALACE PHOTO

Dadagdagan pa ng Russia ang pagdi-deliver sa Pilipinas ng COVID-19 vaccine Sputnik V.

 

Pahayag ito ng Malakanyang matapos ang telesummit conference kagabi nina Pangulong Duterte at Russian President Vladimir Putin kasabay nang paggunita ng ika-45 taon ng bilateral relations ng dalawang bansa.

 

Pinasalamatan agad ni Pangulong Duterte si Putin sa tulong na ibinibigay ng Russia sa Pilipinas.

 

Aabot sa 80,000 doses ng Russian vaccines ang binili ng Pilipinas.

 

Sa kabilang banda, nagpasabi na si Putin na mag-aangkat ang Russia ng mga produktong-agrikultural ng Pilipinas.

 

Aniya susuporta din ang Russia sa transportation infrastructure projects, renewable energy facilities, at gamit militar ng Pilipinas.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.