Pagbuo sa Metropolitan Davao Development Authority (MDDA) tinalakay na sa Senate panel

By Jan Escosio June 03, 2021 - 09:28 AM

SENATE PRIB PHOTO

Sinimulan ng Senate Committee on Local Government ang pagdinig sa mga panukala na bubuo sa Metropolitan Davao Development Authority (MDDA).

Naghain ng hiwalay na mga panukala sina Sens. Ime Marcos, Ronald dela Rosa at Christopher Go para sa pagbuo ng MDDA, gayundin si Davao City Rep. Isidro Ungab sa bahagi naman ng Kamara.

Ibinahagi ni Sen. Francis Tolentino, ang namumuno sa nabanggit na komite, na natalakay sa pagdinig kung paano makakatulong pa sa pag-unlad ng Davao Region ang naturang panukala.

Bubuuin ng Davao City at iba pang mga lungsod at bayan sa rehiyon ang Metropolitan Davao at sa panukala ni dela Rosa nais nitong magdagdag ng apat pang bayan – Hagonoy, Padada, Malalag at Sta. Maria.

Una nang inaprubahan ng Metropolitan Davao Development Coordinating Committee (MDDCC) sa pamumuno ni Mayor Sara Duterte, ang urban master plan para sa isinusulong na Metropolitan Davao.

Ang master plan ay ipinagawa ng Mindanao Development Authority (MinDA) noong 2017.

Dagdag pa ni Tolentino kinakailangan na rin maghanda ang mga ahensiya para sa pagbuo sa MDDA sa katuwiran na ito ang isa sa magpapasigla muli ng turismo sa rehiyon.

Sa susunod na linggo ay muling magkakaroon ng pagdinig ukol sa mga panukala.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.