Pagpatay ng pulis sa 52-anyos na babae paalala kay Pangulong Duterte, sabi ni Sen. Leila de Lima

PNP PHOTO

Nag-Number 1 sa Twitter ang #PulisAngTerorista kasabay nang pagkondena ng sambayanan sa walang-awang pagpatay ng isang pulis sa isang 52-anyos na babae sa Quezon City.

Bunga nito, sinabi ni Sen. Leila de Lima na dapat ay magsilbing paalala kay Pangulong Duterte ang pangyayari dahil sa panghihikayat nito ng pagpatay.

“This is murder in one of its worst forms, done by no less than someone who is expected to enforce the law and protect the Filipinos. Ang lakas pa ng loob na i-deny ng pulis na ito ang pagpatay sa isang inang walang kalaban-laban, eh kitang-kita sa nakuhang video ang karumal-dumal at kalunos-lunos na krimeng ginawa niya. Appalling and unacceptable!” diin ni de Lima.

Base sa viral video ng pagpatay kay Lilybeth Valdez, sinabunutan muna siya ng lasing na si Police MSgt. Hensie Zinampan bago binaril ang ginang sa leeg, na agad namatay.

Ayon kay de Lima hindi dapat magsawa ang sambayanan sa kanilang panawagan na matigil na ang mga pang-aabuso at kawalan ng hustisya na nangyayari ngayon sa bansa.

Ngayon aniya ang panahon na sama-sama nang manindigan ang mamamayan at kondehanin ang mga pang-aabuso sa kapangyarihan.

Read more...