#DantePH nasa bahagi na ng Verde Island passage

Patuloy na kumikilos ang Tropical Storm Dante patungo sa southwestern coast ng Batangas.

Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 8:00 ng gabi, huling namataan ang sentro ng bagyo sa karagatang sakop ng Calapan, Oriental Mindoro dakong 7:00 ng gabi.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.

May bilis ang bagyo na 20 kilometers per hour sa direksyong Hilagang-Kanluran.

Dahil dito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 2:
– Northern portion ng Oriental Mindoro (Naujan, Baco, San Teodoro, Puerto Galera, City of Calapan, Victoria)
– Northern portion ng Occidental Mindoro (Paluan, Abra de Ilog, Mamburao, Santa Cruz) kasama ang Lubang Islands
– Batangas
– Cavite
– Bataan
– Southwestern portion ng Bulacan (Calumpit, Bulacan, City of Malolos, Paombong, Hagonoy)
– Western portion ng Pampanga (Masantol, Macabebe, Sasmuan, Lubao, Floridablanca, Porac, Guagua, Santa Rita, Angeles City, Mabalacat City, Minalin, Bacolor)
– Zambales
– Western portion ng Tarlac (Bamban, Capas, San Jose, Mayantoc, Camiling, Santa Ignacia, San Clemente)
– Western portion ng Pangasinan (Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Infanta, Dasol, City of Alaminos, Mabini, Sual, Labrador, Bugallon, Aguilar, Mangatarem, Bayambang, Urbiztondo, Basista, Malasiqui, San Carlos City, Santa Barbara, Mangaldan, Dagupan City, Calasiao, Binmaley, Lingayen)

Signal no. 1:
– Marinduque
– Northern portion ng Romblon (Banton, Concepcion)
– Nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro
– Nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro
– Western portion ng Quezon (Sampaloc, Lucban, City of Tayabas, Dolores, Tiaong, San Antonio, Candelaria, Sariaya, Lucena City, Pagbilao, Padre Burgos, Agdangan, Atimonan, Unisan, Plaridel)
– Laguna
– Metro Manila
– Rizal
– Nalalabing bahagi ng Bulacan
– Nalalabing bahagi ng Pampanga
– Nalalabing bahagi ng Tarlac
– Western portion ng Nueva Ecija (Science City of Muñoz, Lupao, Cuyapo, Talugtug, Guimba, Nampicuan, Quezon, Licab, Santo Domingo, Talavera, Cabanatuan City, Santa Rosa, Aliaga, Zaragoza, Jaen, San Antonio, Cabiao, San Isidro, San Leonardo, City of Gapan, Peñaranda)
– Nalalabing bahagi ng Pangasinan
– Southern portion ng Benguet (Itogon, Tuba, Sablan, Baguio City, La Trinidad, Kapangan, Tublay)
– La Union

Samantala, inalis na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa ilang lalawigan.

Ayon sa PAGASA, hanggang Huwebes ng hapon (June 3), asahan ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na kung minsan ay intense rains sa Cavite, Batangas, Romblon, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Bataan, Zambales, at Pangasinan.

Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa natitirang parte ng Central Luzon at CALABARZON, northern portion ng Palawan including Calamian, Cuyo, at Cagayancillo Islands, at northwestern portion ng Aklan at Antique.

Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang posibleng umiral sa Metro Manila, Camarines Norte, Camarines Sur, La Union, Ilocos Sur, Mountain Province, Kalinga, Abra, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, at nalalabing bahagi ng MIMAROPA.

Sinabi ng weather bureau na patuloy na tatahakin ng bagyo ang direksyong Hilaga Hilagang-Kanluran o Hilagang-Kanluran at dadaan malapit o sa mismong bisinidad ng southwestern portion ng Batangas sa Miyerkules gabi.

Dadaan din ang bagyo sa Bataan at Zambales sa Huwebes ng madaling-araw.

Read more...