Moreno, pumalag sa polisiya ng ibang bansa sa OFWs na kailangang Western brand ng COVID-19 vaccine ang gamit
Pumalag si Manila Mayor Isko Moreno sa ipinatutupad na polisiya ng ibang bansa sa overseas Filipino workers na kailangang Western brand ng bakuna kontra COVID-19 ang requirement bago makabalik sa kanilang trabaho.
Paliwanag ni Mayor Isko, diskriminasyon ang ginagawa ng ibang bansa.
Lahat naman kasi aniya ng bakuna na ginagamit sa Pilipinas ay ligtas at aprubado ng World Health Organization (WHO).
Bwelta pa ni Moreno, maaring gawin din niya ito sa Maynila.
Halimbawa ayon kay Moreno, kung ipagbabawal niya ang mga Amerikano na bakunado ng Pfizer na makapasok sa Pilipinas.
Ayon kay Moreno, ang pinakamabisang bakuna ay ang bakunang nakaturok na sa braso ng isang indibidwal.
Matatandaang ilang OFW na ang dumulog sa Department of Labor and Employment (DOLE) na humihirit na mabigyan ng bakuna na may Western brand gaya ng Pfizer dahil requirement ng kanilang employer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.