LOOK: Naitalang heat index sa ilang lugar sa bansa
Sa kabila ng pag-iral ng Bagyong Dante, nakaranas pa rin ng mainit at maalinsangang panahon ang ilang lugar sa bansa sa araw ng Miyerkules, June 2.
Sa datos ng PAGASA, umabot sa 46 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan at Tuguegarao City, Cagayan dakong 2:00 ng hapon.
Umabot naman sa 45 degrees Celsius ang heat index sa Aparri, Cagayan bandang 2:00 ng hapon.
Nasa 43 degrees Celsius ang heat index sa mga sumusunod na lugar:
– Hinatuan, Surigao del Sur (2:00 ng hapon)
– Itbayat, Batanes (2:00 ng hapon)
– Sinait, Ilocos Sur (2:00 ng hapon)
42 degrees Celsius na heat index naman ang heat index sa:
– Dipolog, Zamboanga del Norte (2:00 ng hapon)
– Iba, Zambales (11:00 ng umaga)
Naitala naman sa Butuan City, Agusan del Norte ang 41 degrees Celsius ang heat index bandang 2:00 ng hapon.
Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.