Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa karagatang sakop ng Calapan, Oriental Mindoro dakong 4:00 ng hapon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
Bahagyang bumagal ang bagyo habang tinatahak ang direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 2:
– Northern at central portion ng Oriental Mindoro (Roxas, Bongabong, San Teodoro, Puerto Galera, Baco, City of Calapan, Naujan, Victoria, Socorro, Pola, Pinamalayan, Gloria, Bansud)
– Northern at central portion ng Occidental Mindoro (Sablayan, Santa Cruz, Paluan, Mamburao, Abra de Ilog) kasama ang Lubang Islands
– Batangas
– Cavite
– Bataan
– Southwestern portion ng Bulacan (Calumpit, Bulacan, City of Malolos, Paombong, Hagonoy)
– Western portion ng Pampanga (Masantol, Macabebe, Sasmuan, Lubao, Floridablanca, Porac, Guagua, Santa Rita, Angeles City, Mabalacat City, Minalin, Bacolor)
– Zambales
– Western portion ng Tarlac (Bamban, Capas, San Jose, Mayantoc, Camiling, Santa Ignacia, San Clemente)
– Western portion ng Pangasinan (Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Infanta, Dasol, City of Alaminos, Mabini, Sual, Labrador, Bugallon, Aguilar, Mangatarem, Bayambang, Urbiztondo, Basista, Malasiqui, San Carlos City, Santa Barbara, Mangaldan, Dagupan City, Calasiao, Binmaley, Lingayen)
Signal no. 1:
– Marinduque
– Western portion ng Romblon (Romblon, San Agustin, Santa Maria, Odiongan, Alcantara, Looc, Ferrol, Santa Fe, San Jose, San Andres, Calatrava, Corcuera, Banton, Concepcion)
– Nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro
– Nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro
– Western portion ng Quezon (Sampaloc, Lucban, City of Tayabas, Dolores, Tiaong, San Antonio, Candelaria, Sariaya, Lucena City, Pagbilao, Padre Burgos, Agdangan, Atimonan, Unisan, Plaridel)
– Laguna
– Metro Manila
– Rizal
– Nalalabing bahagi ng Bulacan
– Nalalabing bahagi ng Pampanga
– Nalalabing bahagi ng Tarlac
– Western portion ng Nueva Ecija (Science City of Muñoz, Lupao, Cuyapo, Talugtug, Guimba, Nampicuan, Quezon, Licab, Santo Domingo, Talavera, Cabanatuan City, Santa Rosa, Aliaga, Zaragoza, Jaen, San Antonio, Cabiao, San Isidro, San Leonardo, City of Gapan, Peñaranda)
– Nalalabing bahagi ng Pangasinan
– Southern portion ng Benguet (Itogon, Tuba, Sablan, Baguio City, La Trinidad, Kapangan, Tublay)
– La Union
– Northwestern portion ng Antique (Caluya)
Samantala, inalis na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa ilang lalawigan.
Ayon sa PAGASA, hanggang Huwebes ng umaga (June 3), asahan ang katamtaman hanggang mabigat na pag-ulan na kung minsan ay intense rains sa Cavite, Batangas, Romblon, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Bataan, Zambales, at Pangasinan.
Kaparehong lagay ng panahon ang mararanasan sa natitirang parte ng Central Luzon at CALABARZON, Metro Manila, northern portion ng Palawan kasama ang Calamian, Cuyo, at Cagayancillo Islands, Aklan, at Antique.
Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang posibleng umiral sa Camarines Norte, Camarines Sur, La Union, Ilocos Sur, Mountain Province, Kalinga, Abra, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, at nalalabing parte ng MIMAROPA.
Sinabi ng weather bureau na patuloy na tatahakin ng bagyo ang direksyong Hilaga Hilagang-Kanluran o Hilagang-Kanluran at maaring dumaan malapit o sa mismong bisinidad ng southwestern portion ng Batangas bago mag-landfall sa Bataan, Miyerkules ng gabi.
Dahil sa pagdaan sa kalupaan ng Lupa, inaasahang hihina ang bagyo at magiging tropical depression sa Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga at sa Sabado naman ay magiging Low Pressure Area (LPA) na lamang.