Red rainfall warning nakataas sa Occidental Mindoro, northern portion ng Palawan dahil sa #DantePH

By Angellic Jordan June 02, 2021 - 05:34 PM

Credit: PAGASA FB

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ang ilang lugar sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 5:00, Miyerkules ng hapon (June 2), ito ay dulot pa rin ng Tropical Storm Dante.

Nakataas ang red warning level sa Occidental Mindoro at northern portion ng Palawan.

Umiiral naman ang orange rainfall warning sa Oriental Mindoro at Romblon.

Nasa yellow warning level naman ang Marinduque.

Dahil dito, sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Samantala, mararanasan naman ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na pag-ulan sa Masbate, Sorsogon, Albay, Catanduanes, at CamarinesSur sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Base naman sa abiso ng weather bureau bandan 5:12 ng hapon, magdudulot ang trough ng bagyo ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Pangasinan (Mabini, Dasol, Sual at Labrador) na tatagal ng isa hanggang dalawang oras.

Mahina hangggang katamtamang pag-ulan naman ang iiral sa Nueva Vizcaya (Bayombong, Solano, Quezon, Bagabag, Villaverde at Kayapa) sa susunod na isa hanggang dalawang oras.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

TAGS: Bagyong Dante, DantePH, Inquirer News, orange rainfall warning, Pagasa, Radyo Inquirer news, red rainfall warning, yellow rainfall warning, Bagyong Dante, DantePH, Inquirer News, orange rainfall warning, Pagasa, Radyo Inquirer news, red rainfall warning, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.