Palasyo, hinimok ang publiko na maging alerto sa Bagyong #DantePH

PCG photo

Hinimok ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko na maging alerto sa Bagyong dante.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay para masigurong ligtas ang bawat isa sa bagyo.

Hinihimok din aniya ng Palasyo ang publiko na makipagtulungan para masiguro ang kaligtasan.

Ayon kay Roque, kahit may bagyo, dapat ding panatilihin ang pagsunod sa minimum health standards na inilatag ng pamahalaan kontra COVID-19.

Patuloy aniyang naka-monitor ang Palasyo sa sitwasyon ng bagyo.

Ayon kay Roque, nagsagawa na ng pre-dsiaster risk assessment ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at pinaalalahanan ang local government units na maging handa at magpatupad ng pre-emptive evacuation sa mga komunidad na mapanganib sa landslide at flashfloods.

May nakaantabay na rin aniya ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na total standby funds na nagkakahalaga ng P1.105 bilyon kabilang na ang P113 milyong halaga ng 222,382 family food packs.

Sinabi pa ni Roque na naka-edploy na ang response groups ng Philippine Coast Guard at patuloy na tumutulong sa evacuation at rescue operations sa mga binahang lugar.

May ginagawa na rin aniyang clearing oeprations sa mga naapektuhang lugar.

“The safety of everyone remains our main concern. Let us therefore remain alert and vigilant, and cooperate with authorities while observing the minimum public health standards against COVID-19 during this storm,” pahayag ni Roque.

Read more...