Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (June 2), pumalo na sa 1,240,716 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 52,132 o 4.2 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 5,257 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
93.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.3 porsyento ang asymptomatic; 1.32 porsyento ang moderate; 1.9 porsyento ang severe habang 1.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 146 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 21,158 o 1.71 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 6,266 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,167,426 o 94.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.