12 sa 20 sangkot sa Bangladesh cybertheft, mga Pinoy

 

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad sa Bangladesh, 12 sa 20 dayuhan na hinihinala nilang may kinalaman sa pagnanakaw ng milyun-milyong dolyar mula sa kanilang central bank ay pawang mga Pilipino, habang ang walo naman ay mga Sri Lankans.

Wala naman nang ibang binigay na detalye ang police officer na napagkuhanan ng impormasyong ito, ngunit tila lumalabas na ang mga suspek na sinasabi nila ay pawang mga nakakuha ng pera at hindi mismong mga hackers.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa $81 million money laundering scheme na nakalusot dito sa bansa, sinabi ni Sen. Serge Osmeña III na 30 percent na silang mas malapit sa pagbubunyag ng katotohanan sa likod nito.

Ayon sa senior officer ng criminal investigation department ng Bangladesh police na si Mohammad Shah Alam, tinulungan sila ng Interpol na matukoy ang pangalan ng mga dayuhan.

Nakabuo nga aniya sila ng 20 pangalan sa listahan na may kasamang kumpletong mga pangalan at iba pang mga mahahalagang detalye.

Tumanggi naman na si Alam na magbanggit pa ng anuman tungkol dito dahil nagpapatuloy pa aniya ang kanilang imbestigasyon.

Read more...